Wednesday, August 23, 2017

Tula Tungkol sa Katapangan


Noong ako ay nasa highschool pa, mahilig akong sumali sa mga patimpalak sa paggawa ng tula. Ang pagkahilig ko sa paggawa ng tula ay nagsimula pa noong ako ay elementarya. Pero noong nasa highschool na ko nagsimulang magsasali sa mga paligsahan sa pagsulat. Nalulugod akong ibahagi dito sa Steemit ang tulang isinulat ko noong first year high school na ipinanlaban ko at nanalo naman sa kabutihang palad. :)
Sa pagkakatanda ko, itong paligsahan ay ginanap para sa mga bayani. Pagpasensyahan na ang aking sulat na kinahig nang manok. :P

                                              katapangan.jpg
Katapangan

Katapanga'y mahalaga sa atin ng lubha
Isabuhay sa gawa, hindi lang sa salita
Dito makikita tunay na magagawa
Para sa kapakinabangan ng ating kapwa
Tunay na kailangan, dapat pangalagaan
At pang-aalipin ay maiiwasan
Kalayaan ay makukuha at mararanasan
Basta't katapanga'y paiiralin sa isipan
Mga bayaning katapanga'y taglay
Nagawang lumaban kahit nahihimlay
Marami mang hindi sa kanila'y hindi nagtagumpay
Ngunit pinupuri pa rin ng tunay
Ngayon nasa puso't isipan natin sila
Na nagiging karangalan sa ating bawat salita
Kaya ngayon sa sarili'y may tiwala ng lubha
Upang makamit ninanais ng diwa sa ating bansa

No comments:

Post a Comment

About Me