Wednesday, August 23, 2017

Pamahiin ng Mga Pilipino: Superstitions of Filipinos

Ang mga Pilipino ay may mga pamahiing namana pa mula sa mga ninuno. Ang ilan sa mga ito ay pinahahalagahan pa rin hanggang ngayon o binibigyang pansin sa kabila ng mga modernong pagbabago. Sa mga naniniwala, madalas nilang masabi na mabuti nang maniwala at wala namang mawawala, dahil mas may mawawala pag totoo pala ang pamahiin pero hindi mo binigyang pansin.

Filipinos have superstitions that were inherited from ancestors. Some of these were still valued until today or given attention to even there are modern changes. Those who believe on it can often said that better to believe since there is nothing to lose, because there is something to lose if those superstitions are true and you do not mind it.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga pamahiing Pilipino.
The following are examples of FIlipino superstitions

(Photo featuring our beloved Maw the black cat :))
                                          PhotoGrid_1503047660462.jpg
Itim na Pusa/Black Cat
  • Kapag naglalakad ka at may patawid na pusa sa iyong harapan, iwasan ito upang hindi malasin.
    When you are walking and see a black cat crossing in front of you, avoid it to avoid bad luck.
                                           PhotoGrid_1503196595340.jpg
Pagwawalis sa gabi/Sweeping at night

-Huwag magwalis sa gabi at ilabas ang winalisan, lalabas ang swerte.
Do not sweep at night and put what you swept outside, its like throwing your luck.

 
                                           PhotoGrid_1503197241028.jpg
Paggupit ng kuko sa gabi/Cutting nails at night
  • Huwag maggupit ng kuko sa gabi at magdadala ito ng malas.
    Do not cut your nails at night cause it will bring bad luck.
                                            PhotoGrid_1503193813757.jpg
Pagtulog ng basa ang buhok/Sleeping with wet hair

-Huwag matulog ng basa ang buhok at baka ikaw ay mabaliw.
Do not sleep with your hair wet cause it might make you crazy.



                                               PhotoGrid_1503194264248.jpg
Pagalis ng bahay ng may kumakain/Leaving the house when someone is eating

-Huwag umalis or mag paalis ng tao pag may kumakain pa. Maaaring malasin or madisgrasya ang taong aalis. Pwedeng iikot ang pinggan ng kumakain kung may aalis para makontra ito.
Do not leave or make someone leave the house when someone is still eating. It may bring bad luck or accident to the person leaving. You can rotate the plate of the person who is still eating foods to counter it.


                                             PhotoGrid_1503197213345.jpg
Pagkatok sa kahoy/Knocking on the wood

Pag may nagsabi nang hindi maganda, kumatok sa kahoy para ito ay hindi magkatototo.
When someone said unfavorable things/words, knock on the wood so that it will not happen.


                                                         PhotoGrid_1503195605176.jpg
Paghagis ng barya/Throwing coins

Maghagis ng barya sa pagsalubong sa bagong taon para swertihin.
Throw coins in welcoming the new year to have good luck.

No comments:

Post a Comment

About Me