Wednesday, August 23, 2017

Tula Tungkol sa Integridad


Ano nga ba ang ibig sabihin ng integridad? Ito ang paksa namin noon sa paligsahan sa pagsulat ng tula para sa pagbibigay halaga sa salitang ito at nang mas maunawaan. Malalim na salita patungkol sa pagiging matapat at pagkakaroon nang pagpapahalagang moral para rito.

Ugali kong itabi ang mga isinulat ko noon kaya hanggang ngayon, may mga kopya pa ako nang mga ito. Masayang balikan at basahin muli ang pagiging simple nang mga tulang Filipino na naisulat ko noon. Lalo na ang mga tulang isinali ko sa mga paligsahan sa paaralan. Maraming salamat sa mga babasa at pag pasensyahan ulit ang sulat kamay ko. :D

                                                    integridad (1).jpg

Integridad

Ating kinabukasan kailangang pangalagaan
Integridad sa isipan laging tandaan
Bakas sa damdamin tunay na katapatan
Na siyang puhunan ng matalinong mamamayan
Katapata'y handog sa bayang irog
Na malalim maarok kahit ibantayog
Sa harapan ng tao ito'y kuro-kuro
Ngunit sa isipa'y, ito'y totoo
Kahit sa sarili'y pinagkakait
Na katumbas sa kanya'y ubod ng pait
Kung karangalan lang ang kanyang ipagpapalit
Kahit saglit ay itatago ang galit
Integridad ang siyang tunay na nagbibigay
Dignidad sa sarili ang tanging alay
Na handang dumamay at umalalay
Kahit na ang kapalit ay nag iisang buhay

1 comment:

  1. I am really happy to say it’s an interesting post to read. I learn new information from your article, you are doing a great job. Keep it up
    Find here article 10 MISTAKES TO AVOID WHEN SELLING A JUNK CAR

    ReplyDelete

About Me