Ang
pambansang parke ng Pilipinas kung saan matatagpuan ang monumento ng
ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal, ang Rizal Park o mas
nakagawiang tawagin na Luneta Park.
Ang parke ay napupuno ng mga pamilyang nagsasama sama, mga magkakaibigan at pati na magka-ibigan lalo na tuwing sabado at linggo. Naalala ko pa noong aking kabataan na kapag nagpupunta kami ay talagang nagdadala kami ng baon upang may pagsasaluhan para sa halos buong araw na pamamalagi sa parke. Masarap balikan ang ganitong mga ala-ala at nakakatuwang magpa hanggang ngayon ay gawain pa rin ito ng ibang mga pamilyang Pilipino.
Noong ako ay napadaan sa parke, naisipan kong kumuha ng ilang mga larawan lalo na at namumukadkad sa bulaklak ang mga puno at halaman, at maganda ang panahon. Gamit ko ang aking selepono na may tatak na Oppo A37f.
Ang tatlong mga larawan sa ibaba ang aking mga lahok para sa patimpalak.

No comments:
Post a Comment