Bukas,
Agosto 28 ang Araw ng mga Bayani. Napiling ganapin ang Musikalye: Alay
sa Bayani ngayong araw ng Linggo sapagkat mas maraming taong namamasyal
sa Luneta dahil sa walang pasok sa eskwelahan ayon mismo sa mga nag
organisa ng pagtitipon.
Pinamumunuan ng grupong YAKAL o Yakapin Ating Kultura't Kalikasan Alay sa Lipunan ang nasabing pagtitipon. Isa sa mga nagtaguyod at sumuporta ay ang grupo ng @steemph kung saan layunin din ang pagtangkilik sa sariling galing ng mga kapwa Pilipino. Na nagbigay daan din para maipakilala ang steemit.com sa iba.
Ito ay ginanap sa Kweba sa Luneta Park kung saan dinaluhan ng iba't ibang mga Pilipinong nagtatanghal sa iba't ibang larangan tulad na lamang ng pag awit, dula at pag tugtog ng mga instrumento. Nakakalugod makitang aktibo ang mga kabataan sa ganitong klase ng mga pagtitipon. Nagkakaroon sila ng pagkakataong makita at maipakita ang kanilang talentong Pinoy, at nalilinang ang kanilang kaalaman tungkol sa ating kultura.
Ang larawan sa baba ay nagpapakita ng mga kabataang malayang nagpipinta at talaga namang kakikitaan ng pagkawili at galing sa larangang ito. Mga kabataang magbibigay ng pag asa na buhay pa ang paglinang sa kulturang sariling atin.
Nakuhanan ko rin ng larawan ang ilan sa mga nagtanghal sa entablado tulad na lamang ng mag amang kumanta ng ilang mga awit at may sariling komposisyong awit na ibinahagi rin.
At mga kabataang nagpakita ng galing nila sa pagtugtong ng tambol. Sila ang unang nagtanggal sa entablado para sa pagbubukas ng pagtitipon.
May mga instrumentong ginamit sa pagtitipon na masasabing sariling atin katulad ng kulintang at mga tambol na lokal ang pagkakagawa. May isang nakapukaw sa aking pansin sapagkat iyon ang unang beses ko na ito ay makita at talagang gandang kakaiba ang pagkakagawa. Ibon ang simpleng tawag nila dito marahil dahil sa disenyo. At ng sinubukan, ito ay nagbibigay ng tunog ng ibon kung kaya't tama lamang ang tawag dito. :)
Ang mga bayani nagtanggol sa bayan ay marapat lamang bigyang pugay at malamang kung nasaan man sila ngayon. Ikasisiya rin nila ang ganitong klaseng mga pagtitipon. Nawa ay lumago pa ang paglilinang sa kulturang Pilipino at mas maibahagi pa lalo na sa mga kabataan. :)

Aweseme
ReplyDeleteCSUF Help Online
Great article. I have bookmarked your article and looking forward for more. Keep sharing more and more. Also visit our site for printer queries. Get Technical help, Free Gift Card Generator
ReplyDeleteI would say your article is so interesting and informative for me and this article explained everything Routing number. You have done a superb job thanks for sharing this kind of stuff with us.
ReplyDelete