Gamit
ko ang aking selepono na may tatak na Oppo A37f sa pagkuha ng mga
larawan ng iba't ibang bulaklak na napagtuunan ko ng aking pansin.
Kinuhanan ko ang mga bulaklak sa magkakaibang pagkakataon at dahil sa
nahihilig na rin ako sa pag kuha ng larawan upang masanay na rin ang
aking kakayahan sa potograpiya.
Ang tatlong mga larawan sa ibaba ang aking mga lahok para sa patimpalak na binuo ni @allmonitors na may titulong: Ikalawang Linggo ng Patimpalak ng Potograpiyang Filipino - Tema: Mga Bulaklak
Bulaklak ng Gumamela: Karaniwang itinatanim bilang ornamento o gayak sa hardin sapagkat kay gandang pagmasdan ang mga bulaklak nito. Mayroon ding iba't ibang kulay ng bulaklak ng gumamela gaya ng dilaw at puti. Ang halamang ito ay ginagamit din bilang halamang gamot. Naalala ko nung kabataan ko na dinidikdik namin ang bulaklak at dahon ng gumamela para makagawa ng bula at may mapag libangan. Kinuhanan ko ang larawan ng makita ko ang bulaklak habang ako ay naglalakad sa isang lansangan.
Bulaklak na Rosas: Halamang may tinik kaya't dapat maingat ang pagkuha ng mga bulaklak na ito. Napakaraming klase ng rosas at iba't ibang kulay. Ang nasa larawan ay aming pananim at maliit na klase lamang na rosas.
Kiyapo: Sa Ingles ito ay water lily. Ang kiyapo ay nakalutang sa tubig at maraming klase rin. Kinuhanan ko ang larawan ng mapadaan ako sa isang lugar na malapit sa lawa.